Huwebes, Marso 7, 2019

AGRIKULTURA: Paghahayupan, Pagsasaka at Pangingisda


 AGRIKULTURA: Paghahayupan, Pagsasaka at Pangingisda

•••PAGHAHAYUPAN•••
- Ito ay parte ng agrikultura ito ay pag-aalaga ng iba't-ibang hayop tulad ng baboy, manok, kambing, baka at iba pang hayop.

•Ang Paghahayupan ay mahalagang parte ng agrikultura dahil ito ang nag susuply ng karne sa ating mga super market para meron tayong uulamin at nakakatulong rin ito sa agrikultura kasi ang dumi nito ay pwede gawing fertilizer o pampataba ng tanim.

 •Nakakatulong din ito sa mga kababayan nating walang trabaho. Ito ang paraan para sila ay kumita pero di lang basta kumita kailangan din itong palaguin.


 Ang paghahayupan ay isang uri ng pinagkukunan ng kabuhayan kung saan nag-aalaga ng mga hayop upang paramihin at maibenta sa mataas na halaga



•••PAGSASAKA•••
-Ang pagsasaka ay karaniwang trabaho ng mga Pilipino.

•Ito rin ang kadalasang ginagawa nila para sila ay may makain sa pang araw-araw.

•At ito rin ang bumubuhay sa kanilang mga pamilya dahil sa hirap ng buhay, natuto silang magtrabaho para lang may makain ang kani-kanilang pamilya.

•Maraming mga tao ang walang trabaho pero yung iba ay nagsasaka nalang para sila ay mabuhay.

•At marami ring mga taong nagtiis at naghirap dahil sa kawalan ng trabaho at ng sa ganon nagsusumikap silang magsaka para may panustos sa mga gastusin.

•Nang dahil sa mga tiwalang tao ng Gobyerno ang mga tao ay tuluyang nag-hirap at ang iba ay halos mamatay ng dahil sa kawalan ng pagkain at walang pambili ng pagkain at ang iba naman ay nagtiis nalang magtrabaho .


 • kahit tinitiis nila ang pagod at sakit dahil sa mainit na araw ginagawa nila iyon para lang may maibigay silang pagkain sa kani-kanilang mga pamilya at para hindi sila gugutumin.


• At sa kabila ng lahat ng kanilang pagsisikap at pagod, sakit na nararanasan nila ay wala pa ring nagbabago dahil maliit lamang ang kanilang sweldong natatanggap nila at marami silang babayarang utang at kahit ganun natuto silang makuntento sa pagsasaka dahil sa hirap ng buhay. Kahit ngayon ay marami paring mga pilipinong nagtitiis sa pagsasaka dahil sa hirap ng buhay natuto silang makuntento at kahit magsasaka lamang sila ay masaya na rin.

  





•••PANGINGISDA•••

   
   -Ang pangingisda ay isang uri ng hanapbuhay sa laot ng dagat, ilog, lawa, o kahit sa mga batis na mayroong mga isda, maliit man o malaki.  
  
 -Hinuhuli ang mga isda gamit ang mga kasangkapan tulad ng bingwit, mga fishing net, bitag at siyempre ay kailagan din ng bangka o iba pang sasakyang pandagat na angkop sa pangangailangan.

 ~Mahalagang uri ito ng hanapbuhay kasi napapakain ang pamilya ng isang mangingisda, nagkakaroon ng masustansiyang ulam at ang sobra ay naibebenta naman sa palengke.  

  
 •Kung wala ang mga mangingisda, wala rin tayong makakain at mauulam na isda.

  •Ang pangingisda ay isang marangal na trabaho ng isang mangingisda. 


 •Dito kumukuha ng kita ang mga mangingisda at ikinabubuhay nila lalo na ang mga nasa tabing dagat. 


 •Sa lawak ng katubigan sa bansa maraming yamang dagat ang makukuha rito. 


 •Nagbibigay kita rin sa bansa ang pangingisda dahil maraming bansa ang umaaangkat pa ng mga isda mula Pilipinas. 


 •Ngunit dahil sa illegal na pangingisda sumasama ang lagay ng mga yamang dagat.